Welcome to ABSOLUTE's Job Opportunities Page!
Ang layunin ng pahinang ito ay upang magbigay ng kaukulang impormasyon sa mga aplikante tungkol sa ABSOLUTE Laundry & Dry-Cleaners, upang kanilang matukoy kung sila ay nababagay sa kultura ng kumpanya. Basahin mabuti ang items 1 to 13, ayaw namin masayang ang oras ng Aplikante.
Ipinapayo sa mga aplikante na basahin ang pahinang ito bago magpadala ng mensahe o tanong. Kung magpapadala ka ng mensahe para sa isang bagay na nakasaad na dito, hindi ito magandang palatandaan para sa iyo bilang aplikante.
Sana maunawa na nakaka pagod at sayang sa oras na paulit-ulit kami sasagot dahil ayaw mag basa ng aplikante. Hindi kami nag hahanap ng ka-chat, official business lang po. Lahat ay welcome mag apply kung sa palagay nila na sila ay nababagay. Best of Luck!
1) WALANG BABAYARAN KAPAG MAG APPLY: Direct Hire, hindi kami agency.
a) Libre mag Walk-in application. Walang babayaran kahit singko upang mag apply sa ABSOLUTE Laundry & Dry-Cleaners.
b) Walang Medical Fee! Hindi kami employment agency.
c) Pati application form sa amin galing at libre, kahit walang resume maaaring mag apply.
c) Walang referal fee. Backer hindi kailangan. Walang palakasan dito.
d) No Appointment. Maaaring mag Walk-in bastat kailangan kumpleto ang requirements upang ikaw ay interview.
2) Reminder: HINDI po lahat nag-apply ay matatanggap.
a) Kaya po may interview sapagkat pinipili ang babagay sa Kumpanya. Parang sa LOVE mo, diba namimili ka rin?
b) Dapat handa na hindi matanggap. Lahat naman may binabagayan, lahat ng Kumpanya may sariling standard. Huwag magagalit kapat hindi natanggap pagkatapos ng interview. Diba hindi naman lahat ng Love mo pinili ka rin?
c) YES, mahigpit kami sa interview dahil hindi pang 5-6month lang ang hinahanap namin na kasama, kundi pang 5-to-20years. Gusto namin pang asawa, hindi pang pa lipas oras lamang...
3. Ano ang mga Requirements?
a) NBI Clearance valid 6 months form date of application
b) SSS ID o E1 Form
c) PHIL-HEALTH ID o MDR
d) PAG-IBIG ID o MDF
e) TIN ID o 1902 Form
f) Vaccine Card – See picture on item No.12
4) WALANG AGE LIMIT: We do not discriminate on age. Hindi kami namimili base sa edad. Sa ABSOLUTE, mas mahalaga ang karanasan sa trabaho kaysa sa iyong edad. Mas binibigyan halaga ang sumusunod:
a) Patuloy na trabaho sa huling dalawang (2) taon (hindi galing sa mahabang bakasyon)
b) Malusog ang kalusugan at handa magbuhat ng mabigat na items
c) Kumpleto ang requirements.
d) Minumum Age: See section 13 for details
d) Maximum Age: 65 ayon sa batas.
MINDSET - 𝗧𝗔𝗚𝗔𝗣𝗔𝗚𝗠𝗔𝗡𝗔
⦿ Hindi lang sahod ang habol kundi mapabuti ang Kumpanya.
⦿ Yung kakampi sa laban, hindi nang iiwan.
⦿ Kaya mag tiis dahil nakaka intindi pangmatagalan ang trabaho.
5) BAKIT KAILANGAN TAGA-ANTIPOLO?
a) Nakakapagod ang traffic. Nauubos ang oras sa traffic. Ang Mahal ng pamasahe. Feel namin kayo kaya kung walking distance ang iyong tirahan mas maganda.
b) Late dahil = Maulan, mahirap sumakay, Ma-trapik. Absent dahil nag transport strike. Ito ang mga dahilan bakit ang hinahanap namin malapit lang ang tirahan sa aming kumpanya.
c) Kailangan 24Hour ang sakayan sa iyong tirahan sapagkat may pagkakataon na uuwi ang production ng 11PM at dapat meron masasakyan pauwi. Hindi maaaring uuwi ng maaga dahil walang masakayan pa uwi. Note: Kung seloso / selosa ang asawa, huwag ka na mag apply. Kapag peak season mahaba ang oras ng trabaho dito sa ABSOLUTE.
d) 𝗞𝘂𝗻𝗴 𝗺𝗲𝗿𝗼𝗻 𝗸𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥, pwede naman mag apply kahit malayo. Paglilinaw - ikaw mismo ang rider at hindi hatid sundo.
6) BAKIT MERONG HEIGHT REQUIREMENT?
a) MALE PRODUCTION WORKER lang ang may height requirement. Ang ibang position walang Height requirement.
b) Para sa mga MALE PRODUCTION WORKERS, kinakailangan ang taas na hindi bababa sa 5'6" dahil ang mga makina ay naka-ayon sa US STANDARD. Batay sa aming karanasan, kapag mas mababa sa 5'6" sila ay nahihirapan sa pag-operate ng mga makina. Kapag below 5’6” pwede para rin naman mag-apply subalit ikaw ay binigyan na ng sapat na impormasyon. [See washing picture]
Apat(4) lang ang Department sa ABSOLUTE.
a) Admin – HR / Billing / Finance / Accounting / Coordinator / CSR / Purchaser.
b) Factory Worker – Washman / Dryer Man / Sorter / Folder / Presser / Packer / Inspector(QC).
c) Maintenance(All around) – Welder + Electrician + Mechanical / Housekeeping.
d) Delivery – Dapat merong driver’s license handa mag driver at pahinante.
Dapat handa ang EMPLEYADO na i-assign sa lahat ng gawain sa loob ng iyong departamento. Layunin ng ABSOLUTE Laundry & Dry-Cleaners na lahat ng empleyado ay magkaroon ng iba't ibang kasanayan sa trabaho.
Kung ikaw ay uri ng tao na gusto lamang na i-assign sa isang trabaho, hindi ka nababagay sa ABSOLUTE Laundry & Dry-Cleaners.
Note: Talino ang kailangan upang maintindihan na hindi naman i-assign ang admin sa production at ang delivery sa production. Huwag mag MARITES o JOSELITO na naghahanap ng ka-chat.
8) ANO ang HINAHANAP sa APLIKANTE?
a) Merong TIYAGA. Dapat handa ipaliwanag paano mo mapapatunayan sa iyong buhay na ikaw ay may TIYAGA.
b) Walang silbi ang talino kung walang Tiyaga. Walang silbi ang talento kung walang tiyaga. Kapag walang tiyaga, tamad pa rin sa huli.
c) Kaya ka namin turuan sa trabaho, basta ikaw ay may tiyaga matuto at mag trabaho.
9) ANO MAG BAWAL sa ABSOLUTE.
a) MASELAN: Ang items mula sa mga customer ay marurumi at lalabahan upang maging malinis. Kung ikaw ay maselan hindi ka babagay sa ABSOLUTE
b) MAY HIKA at SAKITIN: Laundry ito at mainit. Kung ikaw ay may hika, hindi ka nababagay.
c) HINDI HANDA MAGBUHAT ng MABIGAT na items. Industrial laundry ang ABSOLUTE na bultuhan ang labada.
d) HINDI HAPPY: Ang gusto naman yung Happy, para hindi mabigat ka-trabaho. Ayaw ang pala-awawy at yung hindi pala-smile, o yung karga ang buong mundo.
e) SHORT TERM: Kung ang iyong hanap ay 5-6months na trabaho, ibigay nalang ang pagkakataon sa iba na nais ang pang matagalan na trabaho. Ang gusto namin makakasama ng pang matagalan.
Kung ano ang naayon sa batas, iyon ang ipapatupad ng Kumpanya - Overtime, Holiday pay, 13th Month, SIL at iba pa, ibibigay ng ABSOLUTE. Meron pa nga kami karagdagang incentive sa no late at no absent.
Huwag umasa sa overtime. Merong overtime pero hindi guaranteed na araw-araw merong overtime. Kung hindi sasapat, aming naiintindihan, move-on at mag apply sa iba.
a) Admin Staff – METRO MANILA RATE.
b) Production – REGION IV-A RATE.
c) Maintenance – REGION IV-A RATE.
d) Delivery – Per trip, REGION IV-A RATE
Kapag sa iyong palagay ikaw ay nararapat maka tanggap ng higit sa alok ng Kumpanya, ibahagi sa KUMPANYA ang iyong katangi-tangi na kakayahan at baka mag kasundo naman tayo.
Sa ngayon ang average na tinatagal ng empleyado sa ABSOLUTE ay 6.8-years. Ang dahilang bakit parating merong vacancy:
a) Resignation: Mag-aaral, kinasal, buntis, merong sakit, walang mag-alaga ng anak, pinatawag ng magulang, mag-abroad - madaming dahilan bakit kailangan umalis ng empleyado sa ABSOLUTE.
b) Removed by Company: Pala ABSENT, pala LATE, pala away, ayaw matuto, bara bara – kami naman ang mag-aalis sa iyo.
Kung ikabubuti ng empleyado, bakit namin pipigilan? Ang importante tinanggap ka na tao, kaya umalis ka na asal tao -> mag paalam ng 30days at huwag basta mag AWOL. Dahil kapag ikaw ay umalis na tao, ikaw ay maaaring makabalik kapag kailangan mo na muli ang ABSOLUTE.
Kapag merong umalis, merong mabibigyan ng bagong oportunidad!
Pumunta sa ABSOLUTE at magpa-interview. No online application. Kung gusto mo mag apply, mag-effort ka naman humarap sa interview.
b) Interview: Monday to Saturday 1:00PM to 2:00PM only.
c) Location: 255 Sumulong Highway, Mambugan, Antipolo City. Location Map - https://goo.gl/maps/Zanp9Pwg4DNS7rnB9
Kung ikaw ay umabot sa item No.12, iyong pinatunayan ikaw ay desidido Ang listahan ng vacancy nasa ibaba.
Kapag nababagay at kumpleto ang requirement, hinihintay ka na namin ma-interview. 1:00PM to 2:00PM Monday to Saturday.
VACANCY:
Mag dadagdag kami ng mga ka-trabaho dahil patuloy ang mga biyaya na dumadating.
1) HR / ADMIN STAFF: Female
a) Handa magiging Ate o Nanay ng lahat ng Empleyado
b) 25 years Old PATAAS. No age limit... we value experience.
c) Patuloy na trabaho sa huling dalawang (2) taon (hindi galing sa mahabang bakasyon)
d) College Undergrads welcomed.
e) Must have at least 2 years related office work experience.
f) Local work experience only, hindi galing overseas.
g) Familiar with MS EXCEL at MS WORD and can with a team.
h) Monday to Saturday 9AM to 6PM + Overtime.
i) MINDSET: Ang hindi kaya sukatin, hindi kaya i-control.
2) BILLING / ACCOUNTING STAFF:
a) Dapat masinop ang magaling sa Math. Pera po ang iyong hahawakan.
b) 25 years Old PATAAS. No age limit... we value experience.
c) Patuloy na trabaho sa huling dalawang (2) taon (hindi galing sa mahabang bakasyon)
d) College Undergrads welcomed
e) Must have at least 2 years related office work experience.
f) Local work experience only, hindi galing overseas.
g) Familiar with MS EXCEL at MS WORD and can with a team.
h) Monday to Saturday 9AM to 6PM + Overtime.
3) OFFICE STAFF: Female
a) FRESH GRADS WELCOMED. Must be a COLLEGE Graduate except from Education and Marine related courses. (Hindi sila tumatagal)
b) Familiar with MS EXCEL and data encoding.
c) To be assigned sa Customer Communication via SMS and Viber.
d) SHIFTING: Willing to be assigned shifts 9AM to 6PM or 1PM to 9PM
e) Rotating Day-Off: May be assigned for SUNDAY duty.
4) INDUSTRIAL ELECTRICIAN / WELDER / PAINTER
a) ALL AROUND Welder-Electrician-Mechanic.
b) Hindi namimili ng trabaho.
c) Handa pa matututo ng bago.
d) Handa mag 2nd shifts 2PM to 10PM
𝗔𝗽𝗽𝗹𝘆 𝗶𝗻 𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻 𝗳𝗼𝗿 𝗶𝗻𝘁𝗲𝗿𝘃𝗶𝗲𝘄. Personal Interview required.
CLOSED: NO VACANCY
1) PRODUCTION WORKER - Male
a) 23 Years Old pataas. NO Age Limit.
b) Work Experience not required subalit bibigyan priority ang may experience.
c) At least 5'6" ang tangkad dahil mataas ang machine.
d) Malakas ang pangangatawan
e) Hindi namimili ng trabaho at handa mag overtime kapag kailangan.
f) MINDSET: Hindi MARITES na maraming salita... kilos lalaki, yung trabaho lang.
2) PLANTSADORA - Garment Presser
a) Male or Female na sana merong experience sa GARMENT STEAM PRESSING.
3) DELIVERY DRIVER(4W)
a) 25 Years Old pataas. No AGE LIMIT basta malakas ang katawan.
b) Minimum 3 Years Experience bilang driver ng 4Wheel.
c) Handa mag 2nd trip. RATE: P520.00 per Trip X 2 Trips/day.
d) Handa mag driver pahinante. 2-drivers in 1 delivery trip. MM trip only.
e) MINDSET: Umaasa sa akin ang production na mai-deliver ang items ng tama. Hindi maka-sarili.
Copyright © 2023 ABSOLUTE Laundry & Dry-Cleaners, Inc. - All Rights Reserved.